Sinabi, Oktubre 30, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na umuunlad at matatag sa kabuuan ang ekonomiya ng Tsina.
Ang sigla aniya ng ekonomiya ng Tsina ay maglalabas ng enerhiyang pantulong sa ibang bansa.
Ani Lin, noong unang tatlong kuwarter ng kasalukuyang taon, nagpakita ng pagtaas ang kalakalan ng Tsina sa mahigit 160 na mga bansa at rehiyon, at ang pag-unlad ng gross domestic product (GDP) ng bansa ay kabilang sa mga pinakamataas sa mga pangunahing ekonomiya sa mundo.
Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng mataas na kalidad na pag-unlad at pagpapalawak ng mataas na antas ng pagbubukas, ang interaksyon ng Tsina sa mundo ay nagiging mas malakas, sinabi pa ni Lin.
Salin: Yu Linrui
Pulido: Rhio