Lampas 5 trilyong yuan Renminbi, kitang industriyal ng Tsina noong unang 3 kuwarter ng 2024

2024-10-28 11:20:42  CMG
Share with:


Ayon sa datos ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, Oktubre 27, 2024, halos 5.23 trilyong yuan Renminbi ang kabuuang kita ng mga pangunahing industriyal na kompanya sa buong bansa, mula noong Enero hanggang Setyembre ng taong ito, at ito ay bumaba ng 3.5% kumpara sa gayunding panahon ng tinalikdang taon.

 

Inihayag ni Yu Weining, Istatistisyan ng nasabing kawanihan, na kahit may pagbaba sa kabuuan ang kitang industriyal, lumitaw naman ang kakayahan sa pagbangon ng makabagong lakas-panulak ng industriya.

 

Dahil dito, posible aniyang mapapanumbalik ang kita ng mga kompanya.

 

Sa susunod na yugto, kailangang malalimang ipatupad ang mga desisyon at planong ginawa ng Partido at Konseho ng Estado, pabilisin ang pagpapatupad ng kaukulang polisya, at likhain ang magandang kapaligiran para sa malusog na pag-unlad ng mga bahay-kalakal na industriyal, upang matulungan ang pagpapanumbalik at pagganda ng kitang industriyal, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio