Sinabi, Nobyembre 8, 2024, ni Ding Duo, deputy director at associate research fellow sa Research Center for Ocean Law and Policy ng National Institute for South China Sea Studies ng Tsina, na ang bagong Philippine Archipelagic Sea Lanes (ASL) Act ay labag sa Artikulo 53 ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na nagsasaad na ang mga daanang pandagat at panghimpapawid na itinakda ng isang bansang kapuluan ay dapat sumaklaw ng lahat ng mga regular na daanang ito para sa internasyonal na paglalayag at paglipad.
Dahil hindi inilalakip ang ilang pangunahing daanan, ang naturang batas ng Pilipinas ay hindi lamang lumalapastangan sa mga karapatan ng ibang mga bansa sa paglalayag at paglipad, kundi nakakapinsala rin sa umiiral na mga kagawiang pandagat, paliwanag ni Ding.
Ang mga daanang itinalaga ng naturang batas ay malapit sa mga baseng militar ng Amerika sa Pilipinas, na nagdudulot ng pagkabalisa, na maaaring magtulungan ang Pilipinas at Amerika sa pagsubaybay sa mga dumadaang barko, na maaaring magbanta sa ligtas na paglalayag ng ibang mga bansa, dagdag niya.
Tinukoy din ni Ding, na ini-uugnay ng ASL law ang karapatan sa pagdaan sa mga hidwaan sa South China Sea, na humahantong sa paglilimita sa mga lehitimong karapatan sa paglalayag at paglipad ng mga barko at eroplano ng ibang mga bansa. Ito rin aniya ay labag sa UNCLOS.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank