Ulat sa nabigasyon sa SCS, inilabas ng SCSPI

2024-09-27 16:30:01  CMG
Share with:

Sa ulat na inilabas, Setyembre 27, 2024 sa Beijing ng South China Sea Strategic Situation Probing Initiative (SCSPI) hinggil sa kalagayan ng paglalayag at paglipad sa South China Sea (SCS), sinabi nitong walang problema ang kalayaan sa paglalayag at paglipad sa SCS.

 

Anang ulat, ang SCS ay pinaka-abala at pinakabukas na dagat sa buong daigdig.

 

Hindi lamang dito tumatawid araw-araw ang libu-libong bapor at eroplanong komersyal, kundi dumaraan din dito ang maraming bapor at eroplanong militar ng maraming bansa para sa ensayong militar at iba pang mga aktibidad, anito pa.

 

Dagdag ng ulat, sa kabila ng alitan sa pagitan ng ilang panig at kompetisyon sa pagitan ng ilang malalaking bansa, hindi ito nakaka-apekto sa kalayaan sa paglalayag at paglipad sa SCS.

 

Bagamat hindi malinaw ang mga pandaigdigang regulasyon tungkol sa paglalayag ng mga bapor at paglipad ng mga eroplanong militar sa karagatan, kung makakapinsala naman anito ang paglalayag at paglipad sa soberanya at seguridad ng mga bansa sa paligid ng dagat, ito ay hindi maituturing na isyung may kinalaman sa kalayaan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan