Kaugnay ng madalas na pagsasagawa ng magkakasanib na ensayong militar ng Amerika, Pilipinas at iba pang kanluraning bansa sa South China Sea (SCS), ipinahayag, Nobyembre 6, 2024 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na ang kooperasyong pandepensa at panseguridad sa pagitan ng mga bansa ay dapat makabuti sa kapayapaan at katatagan ng rehiyon, at hindi makatuon sa ikatlong panig.
Kaya aniya ang pagpapakita ng dahas at paghahasik sa komprontasyon sa SCS ay nagpapalala lamang ng tensyon at nakakapinsala sa katatagan sa rehiyon.
Inulit ni Mao na may soberanya ang Tsina sa mga isla sa SCS at katubigan sa paligid nito, at pinangangalagaan ng Tsina ang sariling karapatan at soberanya batay sa domestiko at pandaigdigang batas.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio/Lito