Kaugnay ng umano’y “Philippine Archipelagic Sea Lanes (ASL) Act” at “Philippine Maritime Zones Act” na inilabas ng Pilipinas, ipinahayag Nobyembre 8, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinatawag na ng Tsina ang embahador ng Pilipinas sa Tsina, para ilahad ang solemnang representasyon hinggil dito.
Binigyan-diin ni Mao na ang umano’y “Philippine Maritime Zones Act” ay lubhang lumalabag sa soberanya ng teritoryo at karapatang pandagat ng Tsina sa South China Sea (SCS), at mariing kinokondena at mahigpit itong tinututulan ng Tsina.
Tinukoy ni Mao na ang soberanya ng teritoryo, mga karapatan at interes sa karagatan ng Tsina sa SCS ay may sapat na historikal at legal na batayan, at naayon sa internasyonal na batas kabilang ang United Nation Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Hindi maapektuhan nito ang pagpapalabas ng umano’y “Philippine Maritime Zones Act.”
Ang tinatawag na umano’y 2016 South China Sea arbitration award ay ilegal at walang bisa, hindi tinatanggap o kinikila ng Tsina, at tinututulan at hindi tinatanggap din ng Tsina ang anumang paninindigan o aksyon batay sa award na ito.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank