Beijing — Magkasamang kinatagpo Nobyembre 8, 2024 nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sergio Mattarella ng Italya ang mga kinatawang kalahok sa Komperensya ng Mekanismo ng Kooperasyong Kultural ng Tsina at Italya at Diyalogo ng mga Presidente ng Unibersidad ng kapuwa bansa.
Pinakinggan ng dalawang lider ang ulat ng mga kinatawan tungkol sa kooperasyong kultural at unibersidad ng Tsina at Italya.
Inihayag ni Pangulong Xi ang pag-asang magkasamang magsisikap ang kapuwa panig upang makapagbigay ng ambag sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlarang pandaigdig.
Lubos namang pinapurihan ni Mattarella ang nagawang mahalagang ambag ng nasabing mekanismo at diyalogo sa pagpapasulong ng pag-uunawaan, pagkakaibigan at kooperasyon ng mga mamamayang Italyano-Sino.
Dapat aniyang ipagpatuloy ng kapuwa bansa ang pagkakaibigan, palakasin ang pagkakaisa, at tutulan ang labanan upang makapagbigay ng matatag na pundasyon at suporta sa pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Ramil