Pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng komprehensibong estratehikong pagkakatuwang ng Tsina at Italya, idinaos

2024-10-15 11:21:44  CMG
Share with:

Oktubre 14, 2024, lunsod Milan – Sa aktibidad bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng komprehensibong estratehikong pagkakatuwang ng Tsina at Italya, na itinaguyod ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Xing Bo, Pangalawang Presidente ng CMG, na masikap na pinasusulong ng kanyang organisasyon ang pagkaka-unawaang pangkultura at pagpapalitang tao-sa-tao ng dalawang bansa.

 

Patuloy aniyang pinalalalim ng CMG ang kooperasyon sa mga media ng Italya, sa mga larangang gaya ng pagpoprodyus ng programa, inobasyon ng teknolohiya ng media, at pagtuturo sa mga talento ng media.

 

Kasabay ng naturang aktibidad, sinimulan ng CMG at mga media ng Italya ang pagsasahimpapawid ng mga programang pang-online at pantelebisyon, na magkasanib na ginawa ng dalawang panig.

 

Bukod dito, magkahiwalay ring nilagdaan ng CMG, at MF Milano Finanza’t Telespazio ng Italya ang dokumento ng kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio