Lima, Peru — Pinasinayaan Nobyembre 6, 2024 (lokal na oras), ang seremonya ng pagsisimula ng aktibidad ng “Oras ng Tsina.”
Bunsod nito, ilampung audiovisual programs ng Tsina ang idadala sa malawak na masa ng mga manonood ng Peru.
Dumalo sa seremonyang ito ang mga opisyal ng pamahalaan, at mga mapagkaibigang personahe mula sa sektor ng industriyal at komersyal ng Tsina at Peru.
Sa kanyang mensaheng pambati, ipinagdiinan ni Eduardo Salhuana Cavides, Presidente ng Kongreso ng Peru, na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng dalawang panig, tiyak na matatamo ng pagpapalitang kultural ng Peru at Tsina ang mas maraming bunga, bagay na makakapagpatingkad ng positibong papel sa pagpapalalim ng pag-uunawaan at pagpapasulong ng pagpapalagayang pangkaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Ramil