Mga programa ng CMG, sinimulang isahimpapawid sa Peru

2024-11-01 11:23:18  CMG
Share with:

Pagkatapos ng pagtatanghal ng mga nagniningningang programa ng China Media Group (CMG) na idinaos Oktubre 30, 2024 sa lunsod Lima, kabisera ng Peru, magkakasunod na isinahimpapawid ang mahigit 20 programa ng CMG sa mga mainstream media ng bansang ito.


Sa aktibidad na ito, ipinahayag via video ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang pagtatanghal ng mga programa ng CMG sa Peru ay para ipatupad ang mga komong palagay ng pangulo ng dalawang bansa tungkol sa pagpapalalim ng pagpapalitan ng kultura at tao-sa-tao ng dalawang bansa.


Umaasa aniya siyang sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kultura at tao-sa-tao ng dalawang bansa, magiging mas maganda ang kinabukasan ng dalawang bansa.


Ang pagsasahimpapawid ng naturang mga programa ng CMG sa Peru ay tumatagal hanggang katapusan ng taong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil