Umano’y “Maritime Zones Act” ng Pilipinas, buong tinding tinututulan ng NPC

2024-11-09 10:17:14  CMG
Share with:

Bilang tugon sa pagiging batas ng “Maritime Zones Act” ng Pilipinas Nobyembre 8, 2024, ipinalabas ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang pahayag hinggil dito.


Narito ang buong teksto ng pahayag:


Sa kabila ng mahigpit na pagtutol at solemnang representsyon ng panig Tsino, buong tigas na pingtibay ng Pilipinas ang umano’y “Maritime Zones Act” kung saan ilegal na inilagay ang Huangyan Dao at nakakaraming isla at bahura ng Nansha Qundao at kaukulang karagatan sa zonang pandagat ng Pilipinas, at tangka nitong ipatupad ang ilegal na hatol ng umano’y arbitral award on the South China Sea (SCS) sa pamamagitan ng domestikong lehislasyon. Ito ay grabeng lumalapastangan sa soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina sa SCS.


Ipinahayag ng NPC ang buong tinding pagtutol at mahigpit na kondemnasyon hinggil dito.


May soberanya ang Tsina sa Nansha Qundao at karagatang nakapaligid dito, at Zhongsha Qundao at karagatang nakapaligid dito na kinabibilangan ng Huangyan Dao, at mayroong soberanya at karapatan ng hurisdikasyon sa kaukulang karagatan. May sapat na batayang historikal at pambatas ang nasabing soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina.


Ang unilateral na pagharap ng Pilipinas ng umano’y arbitrasyon ay lumalabag sa mga pandaigdigang batas na kinabibilangan ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Ilegal at walang anumang bisa ang nagawang hatol. Hindi tinatanggap at nilalahukan ng panig Tsino ang arbitral award tungkol sa SCS, hindi tinatanggap at kinikilala ang kaukulang hatol, at hindi tinatanggap ang anumang posisyon at aksyong nakabase sa naturang hatol. Di naaapektuhan ng hatol na ito ang soberanya ng teritoryo at karapatan at kapakanang pandagat ng Tsina sa anumang kalagayan.


Salin: Lito

Pulido: Ramil