Pansamantalang hakbangin ng anti-dumping laban sa brandy ng EU, isasagawa ng Tsina

2024-11-11 16:35:46  CMG
Share with:

Inanusyo, Nobyembre 11, 2024, ng Ministri ng Komersyo ng Tsina (MOC) na isasagawa nito ang pansamantalang hakbangin ng anti-dumping sa ilang brandy na aangkatin mula sa Unyong Europeo (EU), at magkakabisa ito sa Nobyembre 15.

 

Sinabi ng MOC na, ayon sa isang imbestigasyong nauna rito, ibinabagsak ng ilang tagamanupaktura ng brandy ng EU ang kanilang produkto sa Tsina, na nagdulot ng substansyal na panganib at pagkapinsala sa domestikong industriya ng bansa.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Lito