Binuksan Nobyembre 11, 2024, sa Baku, Azerbaijan, ang Ika-29 na Sesyon ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) o COP29.
Nilalayon ng kumperensya sa taong ito na maghanap ng isang bagong layunin sa pagpopondo ng pagbabago ng klima para palitan ang umiiral na kolektibong target ng pagpapakilos at pagbibigay ng 100 bilyong Dolyares taun-taon ng mga mauunlad na bansa bilang suporta sa mga umuunlad na bansa.
Tututukan din ng kumperensyang ito na nakatakdang isagawa mula Nobyembre 11 hanggang 22, ang mga paksang tulad ng pandaigdigang merkado ng pagpapalitan ng karbon, pati na rin ang pandaigdigang paglilipat ng enerhiya mula sa mga fossil fuel.
Salin: Yan Shasha
Pulido: Ramil / Frank