Inilunsad Nobyembre 11, 2024 sa Baku, Azerbaijan, ang Pabilyon ng Tsina sa Ika-29 na Sesyon ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP29).
Sa panahon ng COP29, itataguyod ng Pabilyon ng Tsina ang 10 araw na mga temang aktibidad na magtatampok ng bagong enerhiya, carbon transaction, mga teknolohiyang may kinalaman sa klima, at iba pa.
Sa side meeting na minamarkahan ang pagbubukas ng pabilyon, sinabi ni Zhao Yingmin, Pinuno ng delegasyon ng Tsina sa COP29 at Pangalawang Ministro sa Ekolohiya at Kapaligiran ng Tsina, na nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa internasyonal na komunidad para palakasin ang tiwala sa isa't isa sa pulitika, isagawa ang multilateralismo, pahusayin ang pandaigdigang kooperasyon, at bumuo ng isang maunlad, malinis, at magandang mundo.
Salin: Zheng Yujia
Pulido: Ramil / Frank