Mensaheng pambati, ipinadala ni Pangulong Xi sa Global South Media and Think Tank Forum

2024-11-12 15:59:17  CMG
Share with:

Ipinadala Nobyembre 11, 2024, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isang mensaheng pambati sa Global South Media and Think Tank Forum.

 

A view of Sao Paulo, Brazil, August 23, 2023. /CFP


Sinabi ni Xi sa kanyang liham na ang Tsina ay palagiang miyembro ng Global South at palagiang kabilang sa mga umuunlad na bansa.

 

Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng mga bansa ng Global South, para isagawa ang tunay na multilateralismo, itaguyod ang pantay at maayos na multipolar na mundo at panlahat na kapaki-pakinabang at inklusibong ekonomikong globalisasyon, at itatag ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.

 

Inaasahan niya na isasagawa ng mga kalahok sa porum ang malalimang talakayan, daragdagan ang konsesus, magkakasamang palalakasin ang “tinig ng Global South” habang ipinapakita ang “pangako ng Global South.”

 

Hinimok din ni Xi ang mga ito na mag-ambag ng karunungan tungo sa pagbibigay ng kapangyarihan sa Global South para maging isang matatag na puwersa ng kapayapaan, isang gulugod ng pagiging bukas at pag-unlad, isang konstruktibong puwersa sa pandaigdigang pagmamahala, at pwersang panulak para sa mutuwal na pag-aaral sa mga sibilisasyon.

 

Binuksan Nobyembre 12, 2024, sa Sao Paulo, Brazil, ang Global South Media and Think Tank Forum.

 

Nang araw ring iyon, nagpadala ng mensang pambati sa porum si Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva ng Brazil.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil Frank