Ang 2024 ay ika-35 anibersaryo ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC).
Kaugnay nito, isang sarbey ang isinagawa ng China Global Television Network (CGTN), isang institusyong pang-media na pag-aari ng Tsina, sa mga netizen ng mundo.
Ipinalalagay ng 86.4% ng mga respondiyente na malaki ang papel ng APEC sa pagpapasulong ng kabuhayan‘t pagpapalalim ng rehiyonal na kooperasyon, malakas na pinatataas ang lebel ng kalayaan’t kaginhawaan ng kalakalan at pamumuhunan sa Asya-Pasipiko, at mahalagang instrumento ng rehiyon tungo sa pagiging pinaka-aktibong heo-ekonomikong grupong may pinakamalaking potensyal sa paglaki.
Ang APEC ay unang rehiyonal na ekonomikong organisasyong pangkooperasyon na sinalihan ng Tsina matapos nitong isagawa ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas.
Ang pagsangkot nito sa APEC ay milestone para sa globalisasyon ng kabuhayan.
Kaugnay nito, 95.1% ng respondiyente ang naniniwalang mahalaga ang Tsina sa kooperasyong pangkabuhayan ng APEC, at pinapurihan din nila ang bansa sa matatag nitong pagpapalawak ng pagbubukas sa labas, at aktibong pagsangkot sa iba’t-ibang usapin ng APEC, na nagbigay ng mahalagang ambag sa kasaganaan at katatagan ng Asya-Pasipiko.
Inilabas ang sarbey sa platapormang Ingles, Espanyol, Pranses, Arabe at Ruso.
Sumali rito ang 6,071 respondiyente sa loob ng 24 oras.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio Frank