Pagpapalakas ng maagang babala para sa lahat, ipinanawagan ng bise premyer ng Tsina sa COP29

2024-11-13 16:39:59  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati sa pulong hinggil sa maagang babala, Nobeyembre 12, 2024, sa Ika-29 na Sesyon ng Conference of the Parties to the United Nations Framework Convention on Climate Change (COP29), sa Baku, Azerbaijan, nanawagan si Ding Xuexiang, Espesyal na sugo ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Bise Premyer ng bansa, na dapat palakasin ang sistema ng maagang babala para sa lahat at pataasin ang kakayahan ng adaptasyon sa klima.

 

Aniya, pinahahalagahan ng Tsina ang internasyonal na kooperasyon sa meteorolohikal na maagang babala, at inilahad ni Pangulong Xi ang partikular na kahilingan sa isyung ito.

 

Kasama ng lahat ng bansa, pasusulungin aniya ng Tsina ang pagsasakatuparan ng inisyatiba ng United Nations' Early Warnings for All, para ibigay ang bago at mas malaking kontribusyon sa pagbabago ng klima.

 

Inilathala rin ng Tsina sa panahon ng pulong ang Action Plan on Early Warning for Climate Change Adaptation (2025-2027).

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Frank