Hiniling, Nobyembre 12, 2024 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa lahat ng may kinalamang departamento ng pamahalaan, na masikap na gamutin ang mga nasugatan sa insidente ng pagbangga ng kotse, Nobyembre 11, sa lunsod Zhuhai, lalawigang Guangdong, gawing timog ng bansa.
Ipinag-utos din niya ang agarang pagparusa sa may-kagagawan, batay sa batas.
Kailangang napapanahong lutasin ang mga hidwaan, pigilan ang pagkaganap ng mga sukdulang kaso at masikap na pangalagaan ang buhay ng mga mamamayan at katatagang panlipunan, diin ni Xi.
Matatandaang 35 katao ang nasawi, samantalang 43 iba pa ang napinsala sa nabanggit na insidente sa isang sports center sa Zhuhai.
Salin: Ernest
Pulido: Rhio/Frank
Bisita ni Xi sa Brasil, magpapalakas ng ugnayan sa kultura at pagpalitang tao-sa-tao – MOFA
Xi Jinping, lumisan ng Beijing para sa pulong ng APEC at dalaw-pang-estado sa Peru
Pangulong Tsino, bumati sa ika-100 anibersaryo ng pagkakatatag ng Sun Yat-sen University
Mensaheng pambati, ipinadala ni Pangulong Xi sa Global South Media and Think Tank Forum