Malaking bahagi ng estratehiya ng pag-unlad ng Tsina ay ang pagsusulong ng matalinong modernisasyon habang pinangangalagaan ang kalikasan. Kasabay nito, alam ba ninyong ang pagpapanatili sa mga pamanang pangkultura, at pagpapanibago sa gamit ng mga lugar pang-industriya ay pokus din ng modernisasyon ng Tsina? Kaya naman, sa ika-3 harurot ng seryeng “Sa Paligid ng Beijing,” ay muli kayong isasakay ni Rhio Zablan sa kanyang ebike upang ipakita ang dating pagawaan ng bakal at asero na ngayon ay isa nang parke – ang Parke ng Shougang, at ipapanhik din niya kayo sa isang sinaunang pabilyon kung saan matatanaw ang kagandahan ng Subdistrito ng Gucheng, Shijingshan, Beijing.
Video/Ulat: Rhio
Pulido/Editor sa Website: Jade
Videography Director: Vera
Audio Director: Ernest
Photography Director: Ramil