Xinfadi, mula bukirin hanggang hapag-kainan

2023-02-22 11:51:03  CMG
Share with:

 

Sa video na ito, sinuri ng isang ama para sa kanyang anak kung paano idinideliber ang mga prutas mula bukirin ng iba't ibang bansa tungo sa merkadong Xinfadi hanggang sa hapag-kainan. 

Ang Xinfadi na matatagpuan sa Beijing, Tsina ay ang pinakamalaking wholesale market ng mga produktong agrikultural sa bansa.

Ang Xinfadi market ay itinatag noong 1988 sa katimugan ng Beijing sa nayong Xinfadi, kung saan matatagpuan ang mga gulayan.

Mula sa isang-hektaryang bazaar, ang Xinfadi ay may lawak na ngayong 112 hektarya.

Mayroon itong 2,000 booth at mahigit 4,000 nangungupahan.

Araw-araw, 20,000 toneladang prutas, at 18,000 toneladang gulay, at iba pang mga panindang agrikultural ang kinakalakal dito.

Nitong mahigit tatlong dekada sapul nang itatag ang Xinfadi market, wala patid itong nakikipagpalitan at nakikipagtulungan sa ibang mga bansa, tungo sa pagkakaroon ng win-win na resulta.

Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakaharap ng Tsina ng Belt and Road Initiative (BRI), inisyatiba na naglalayong ibayo pang pasulungin ang komong kasaganaan.

Dahil dito, mas nagiging malakas ang kooperasyon ng Xinfadi at ibang bansa

Nakikipagtulungan ang Xinfadi sa mga internasyonal na kompanya at naitayo ang mga taniman ng prutas at gulay sa Pilipinas, Kambodiya, Biyetnam, Laos, Thailand, Myanmar, Australia, at Chile.

Bukod diyan, isinusulong din ng Xinfadi ang kooperasyon sa Pransya, Netherlands, Israel, Kazakhstan at iba pa.  

Bunga nito, mabibili sa Xinfadi ang mahigit 200 uri ng de-kalidad na prutas mula sa 42 bansa’t rehiyon. 

 

Producer: Liang Shuang

Artikulo: Jade

Cameraman: Cai Jun

Patnugot sa Video: Xie Yu

Pulido sa video: Liang Shuang/Jade

Pulido sa artikulo: Rhio