Sa kanyang pakikipagtagpo,Nobyembre 12,2024, sa Beijing kay Andrew Schlossberg, Pangulo at Punong Tagapagpaganap ng Invesco, sinabi ni Bise Premyer He Lifeng ng Tsina, na isinusulong ng kanyang bansa ang mataas na lebel na pagbubukas sa sektor ng pinansya at tatanggapin ng Tsina ang mga kompanyang dayuhan upang palalimin ang kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan.
Optimistiko naman ni Schlossberg sa prospek ng pag-unlad ng merkado ng pananalapi ng Tsina, at sinabing handa ang kanyang kompanya na samantalahin ang karagdagang komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng Tsina upang patuloy na palawakin ang kooperasyon.
Salin: Yan Shasha
Pulido: Rhio / Frank