Idinaos, Hulyo 31, 2024, sa Washington, Amerika ang unang pulong ng matataas na opisyal ng Sino-US Counternarcotics Working Group.
Sa panahon ng pagpupulong, iniulat ng dalawang panig ang pinakabagong progreso sa mga larangan ng pagkontrol ng sangkap, pagtutulungan sa mga kaso, pagpapalitang teknikal, kooperasyong multilateral, at paglilinis ng online na advertising.
Nagpalitan ang dalawang panig ng kani-kanilang mga alalahanin, opinyon at mungkahi, at nilinaw ang direksyon ng pagtutulungan.
Nagkasundo din ang dalawang panig na higit pang palakasin ang diyalogo at komunikasyon sa larangan ng pagkontrol sa droga batay sa “paggalang sa isa’t isa, pamamahala ng mga pagkakaiba, at kooperasyong may pakinabang sa isa’t isa," magkatuwang na isulong ang malalim na pag-unlad ng kooperasyong kontra-droga ng Sino-US, at magtulungan upang harapin ang pandaigdigang problema sa droga.
Salin: Yan Jiayue
Pulido: Ramil