Nagtagpo Nobyembre 13, 2024, sa Baku, Azerbaijan, sina Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina at Pangulong Ilham Aliyev ng Azerbaijan.
Ipinaabot ni Ding ang pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping kay Aliyev.
Sa kanilang pagpupulong sa Astana noong Hulyo, magkasamang inanunsyo nina Xi at Aliyev ang pagpapataas ng relasyon ng Tsina at Azerbaijan sa lebel ng estratehikong partnership.
Kaugnay nito, sinabi ni Ding na dapat ipatupad ng dalawang panig ang mga mahalagang konsensus na narating ng mga lider ng dalawang bansa at pasulungin ang tuluy-tuloy na pag-unlad ng relasyong Sino-Azerbaijani sa isang bagong punto ng pagsisimula at mataas na lebel.
Ipinadala din niya ang malugod na pagbati ng Tsina sa Azerbaijan para sa matagumpay nitong pangungulo ng Baku Session ng United Nations Framework Convention on Climate Change.
Pinahahalagahan aniya ng Tsina ang mahalagang papel na ginagampanan ng Azerbaijan sa internasyonal at panrehiyonal na gawain at nakahanda ang Tsina, kasama ng Azerbaijan, na isakatuparan ang Global Development Initiative, the Global Security Initiative, at Global Civilization Initiative para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan.
Binigyan-diin naman ni Aliyev na ang Azerbaijan at Tsina ay tunay na mga estratehikong kasosyo na nakikibahagi sa mataas na pagpapalitan na may bilateral na kooperasyon na patuloy na umuunlad.
Pinahahalagahan aniya ng Azerbaijan ang relasyon nito sa Tsina, sinusuportahan ang mga inisyatiba na inilahad ni Xi, at nakahandang aktibong makipagtulungan sa Tsina sa Belt and Road Initiative nito.
Nakahanda rin ang Azerbaijan na palakasin ang internasyonal na kooperasyon sa Tsina, dagdag niya.
Nag-usap din nang araw rin iyon sina Ding at Pangalawang Punong Ministro Shahin Mustafayev ng Azerbaijan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank