Azerbaijan, opisyal na nag-aplay para sumali sa BRICS Cooperation Mechanism

2024-08-22 15:59:09  CMG
Share with:

Inanunsyo, Agosto 20, 2024 ng Ministri ng Ugnayang Panlabas ng Azerbaijan na opisyal nang nag-aplay ang bansa para sumali sa BRICS Cooperation Mechanism.

 

Nauna rito, sa ika-24 na pulong ng Konseho ng mga Pinuno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos noong nagdaang Hulyo sa Astana, Kazakhstan, ipinahayag minsan ng Azerbaijan ang kagustuhan nitong sumali sa BRICS Cooperation Mechanism.

 

Salin: Ethan

 

Pulido: Ramil