"Ang Peru ay kapitbahay ng Tsina sa kabilang panig ng Pasipiko." Ang lumalalim ng lumalalim na kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan at pagpapalitang tao-sa-tao at kultural ay patuloy na naglalapit sa Tsina at Peru bilang isang mapagkaibigang magkapitbahay sa likod ng karagatan o transoceanic.
Sa panahon ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Peru, sa pamamagitan ng New Era International Communication Research Institute at Center for Advanced National Studies of Peru, inilunsad ng China Global Television Network (CGTN) ang sarbey na pinamagatang “Peru’s Favorability towards China in 2024” sa 1,111 respondente ng Peru.
Sa sarbey na ito, unibersal na positibong pinapurihan ng mga respondente ang tradisyonal na pagkakaibigan at mga natamong bunga ng pragmatikong kooperasyon. Inaasahan nilang lilikhain ang “modelo ng Peru” para sa relasyong Sino-Latin Amerikano at kooperasyon sa mataas na antas ng mga bansang “Global South.”
Ang Peru ay isa sa mga bansang Latin-Amerikano na naitatag ang relasyong diplomatiko at komprehensibo’t estratehikong partnership sa Tsina. Ang Tsina at Peru ay mabuting magkaibigan na may katapatan at tiwala sa isa’t-isa, at mabuting katuwang sa komong kaunlaran.
Sa sarbey, 89.6% respondente ng Peru ay may paborableng impresyon sa Tsina; naniniwala ang 97.7% respondente na ang Tsina ay isang mahalagang bansa; ipinalalagay ng 97.2% respondente na ang Tsina ay isang matagumpay na bansa; sinagot ng 91.5% respondente na ang Tsina ay isang kaakit-akit na bansa; naniniwala naman ang 91.2% respondente na ang Tsina ay isang bansang karapat-dapat na igalang.
Bukod pa riyan, inihayag din ng mga respondente ang mataas na mithiin na pumunta sa Tsina.
Inaasahan ng 9% respondente na maglalakbay, bibisita at mag-aaral sa Tsina. Sa mga batang respondente na may edad mula 18 hanggang 24, mas mataas pa ang proporsyon sa 95.9%.
Salin: Lito
Pulido: Ramil