Premiere ng dokumentaryong “Mula the Great Wall Hanggang Machu Picchu,” idinaos sa Lima

2024-11-16 15:07:18  CMG
Share with:

Lima, Peru — Pinasinayaan Nobyembre 15, 2024 (lokal na oras), ang premiere ng dokumentaryo ng China Media Group (CMG) na pinamagatang “Mula the Great Wall Hanggang Machu Picchu” at seremonya ng pagbubukas ng social media page ng wikang Quechua.


Dumalo sa aktibidad sina Shen Haixiong, Presidente ng CMG, at mga panauhin mula sa iba’t-ibang sektor ng Peru.


Sa kanyang talumpati sa seremonya, ipinahayag ni Shen ang pag-asang sa pamamagitan ng pagbubukas ng social media page ng wikang Quechua, makukuha ng mas maraming manonood ang kaalaman tungkol sa Tsina at buong daigdig.


Ang wikang Quechua ay ginagamit sa mga bansa sa Timog Amerika na gaya ng Peru, Ecuador, at Bolivia.


Noong 1975, natiyak ito ng pamahalaan ng Peru bilang isa sa mga opisyal na wika ng bansang ito.


Salin: Lito

Pulido: Ramil