Sa okasyon ng pagpunta ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Lima upang dumalo sa Ika-31 APEC Economic Leaders' Meeting at magsagawa ng dalaw-pang-estado sa Peru, idinaos sa Lima Nobyembre 15, 2024 (lokal na oras) ang seremonya ng pagsisimula ng pagsasahimpapawid ng programang “Mga Salawikaing Klasiko na Sinipi ni Xi Jinping” (Season III sa wikang Espanyol) na gawa ng China Media Group (CMG).
Dumalo sa seremonyang ito ang halos 200 panauhin mula sa sektor ng pulitika, kabuhayan, kultura, media, at akademiya ng Peru.
Sa pamamagitan ng video speech, ipinahayag ni Pangulong Dina Boluarte ng Peru ang mainit na pagbati sa pangyayaring ito.
Sinabi niya na ang pagsasahimpapawid ng nasabing programa sa Peru ay makakapagpatatag ng pundasyon ng pagkakaibigan ng Peru at Tsina, at makakapaglatag ng isang tulay para sa pagkakaunawaan ng batang henerasyon ng Peru sa Tsina.
Bumigkas din sa seremonya si Shen Haixiong, Presidente ng CMG. Nananalig aniya siyang ibayo pang mapapasulong ng programang ito ang pagkakaunawaan at pagkakaibigan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.
Salin: Lito
Pulido: Ramil