Tsina at mga bansang Timogsilangang Asyano, magkakasamang magsisikap para sa kapayapaan’t kasaganaan ng rehiyon

2024-11-18 16:59:43  CMG
Share with:

Ipinahayag, Nobyembre 18, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mabuti ang pagpapalitan sa pagitan ng Tsina at mga bansa ng Timogsilangang Asya.

 

Ipinakikita aniya nito ang komong mithiin ng magkabilang panig para sa pagkakaisa, kooperasyon’t pag-unlad ng rehiyon, at mataas na lebel na pagsulong ng relasyon ng Tsina at mga kapitbansa.

 

Tinukoy ni Lin na ang Asya at Asya Pasipiko ay komong tahanan ng Tsina at mga kapitbansa, kaya kasama ng mga bansang Timogsilangang Asyano, magsisikap ang Tsina para maitatag ang “Belt and Road Initiative (BRI);” at mapasulong ang konstruksyon ng tahanan ng kapayapaan, kaligtasan, kasaganaan, kagandahan at pagkakaibiagan, tungo sa pagbangon at kapayapaan at kasaganaan ng rehiyon.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Lito