Inihayag, Nobyembre 13, 2024 ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na handang gawing pagkakataon ng kanyang bansa ang Ika-31 APEC Economic Leaders' Informal Meeting upang lumikha ng mas maraming benepisyong may mataas na kalidad para sa mga kasosyo sa Asya Pasipiko.
Aniya, isusulong din ng Tsina ang pag-unlad na may mataas na antas ng pagbubukas, at pagtutulungan para mabuo ang isang komunidad ng Asya Pasipiko na may pinagbabahaginang kinabukasan.
Ang rehiyong Asya Pasipiko ay ang pinakamasiglang rehiyon ng pandaigdigang ekonomiya at isang mahalagang makina ng pandaigdigang paglago ng ekonomiya, dagdag niya.
At dahil hangarin din ng mga bansa sa rehiyon ang mapayapang pag-unlad, tumututol sa grupu-grupong komprontasyon, at zero-sum game, maaari aniyang likhain ng rehiyon ang "himala pang-ekonomiya ng Asya Pasipiko."
Salin: Lei Bidan
Pulido: Rhio/Lito