Pagbili ng Pilipinas ng mid-range missile system, probokasyon at mapanganib na aksyon —— MOFA

2024-11-14 17:10:05  CMG
Share with:

Kaugnay ng intensyong bumili ng Typhon Mid-Range Capability Missile System ang Pilipinas, ipinahayag ngayong araw, Nobyembre 14, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na maraming beses nang inilahad ng kanyang bansa ang paninindigan at pagtutol sa paglalagay ng Amerika ng nasabing sandata sa Pilipinas.

 


Aniya, ang nasabing sistema ng sandata ay probokasyon at mapanganib na aksyon, at iresponsableng pagpili para sa mga mamamayan ng Pilipinas at iba pang bansa ng Timog-silangang Asya.

 

Sa halip nito, ang kailangan ng mga mamamayan ng rehiyon ay kapayapaan at kasaganaan, dagdag ni Lin.

 

Muli aniyang hinihimok ng Tsina ang Pilipinas na agarang itama ang maling aksyon, at agarang alisin ang Typhon Mid-Range Capability Missile System ayon sa pangako nito.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Lito