Sa okasyon ng ika-19 na G20 Summit na idinaos sa Rio De Janeiro, Brasil, nagtagpo Nobyembre 18, 2024 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Keir Starmer ng Britanya.
Tinukoy ni Xi na bilang permanenteng kasaping bansa ng United Nations Security Council (UNSC), may responsibilidad ang Tsina at Britanya, hindi lamang sa pagpapasulong ng pag-unlad ng kani-kanilang estado, kundi maging sa pagharap sa mga pandaigdigang hamon.
Idiniin niya na bagama’t magkakaiba ang kultura, kasaysayan, ideya, at sistemang panlipunan ng dalawang bansa, malawak pa rin ang kanilang komong interes.
Saad niya na dapat palawakin ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kalakalan, pamumuhunan, malinis na enerhiya, serbisyong pinansiyal, kalusugan at pamumuhay ng mga mamamayan.
Dapat pasulungin ng dalawang panig ang pulitikal na paglutas sa mga maiinit na isyu at pahigpitin ang pandaigdigang pamamahala sa artificial intelligence (AI), dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Starmer na ang Britanya at Tsina ay malawak na ektensibong komong interes at may mahalagang responsibilidad para sa paglutas ng mga pandaigdigang hamon at pagpapanatili ng kapayapaan at kaunlaran ng mundo.
Umaasa aniya ang Britanya na batay sa prinsipyo ng paggalang sa isa’t isa, katapatan at pagkakapantay-pantay, pahihigpitin ang diyalogo sa Tsina, palalalimin ang pagkakaunawaan sa isa’t isa, at isasagawa ang pagpapalitan at kooperasyon sa mga larangang gaya ng ekonomiya at kalakanan, agham at teknolohiya, pinansiya, kalusugan, edukasyon at pagharap sa pagbabago ng klima.
Kasama ng Tsina, nakahanda ang Britanya na pahigpitin ang multilateral na komunikasyon at koordinasyon para pasulungin ang pampulitikang paglutas sa mga maiinit na isyung panrehiyon.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Lito