Sa Ika-31 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders' Meeting na idinaos Nobyembre 16, 2024 (lokal na oras) sa Lima, Peru, bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang “Magkakasamang Isabalikat ang mga Responsibilidad sa Panahon at Magkakasamang Itaguyod ang Pag-unlad ng Asya-Pasipiko.”
Sa kanyang talumpati, pinagmalasakitan ni Xi ang kasalukuyang kalagayan ng Aysa-Pasipiko at pag-unlad ng buong daigdig, at iniharap ang paninindigang Tsino hinggil sa ibayo pang pagpapasulong ng kooperasyon ng Asya-Pasipiko para pasulungin ang pagtatatag ng komunidad ng Asya-Pasipiko na may pinagbabahaginang kinabukasan, at likhain ang makabagong panahon ng pag-unlad ng Asya-Pasipiko.
Salin: Ernest
Pulido: Ramil/Lito