MOC, nilagdaan ng CMG at Ministri ng Kultura ng Brasil

2024-11-19 16:50:21  CMG
Share with:

Nilagdaan Nobyembre 18, 2024 (lokal na oras), sa Rio De Janeiro, Brasil, ng China Media Group (CMG) at Ministri ng Kultura ng Brasil ang Memorandum of Cooperation (MOC), na narating ng dalawang panig tungkol sa paggagawa ng mga programa, at pagpapalitan ng mga tauhan at teknika.  

 


Sa ngalan ng dalawang panig, pumirma sa dokumento sina Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Departamento ng Publisidad ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Presidente ng CMG, at Margareth Menezes, Ministro ng Kultura ng Brasil.

 


Ipinahayag ni Shen na mabunga ang aktuwal na kooperasyon ng Tsina at Brasil sa iba’t ibang larangan at ang relasyon ng dalawang bansa ay tumatahak patungo sa bagong “Golden 50 years.”

 

Inaasahan ng CMG na gagawing pagkakataon ang paglalagda ng kasunduan para palalimin ang kooperasyon sa Ministri ng Kultura ng Brasil sa iba’t ibang larangan, isulong ang mga pagpapalitang kultural sa bagong antas, at patuloy na pagsamahin ang pundasyon ng opinyon ng publiko para sa pagkakaibigang Sino-Brazilian.

 

Ipinahayag naman ni Margareth Menezes na ang Brasil at Tsina ay kapuwa kinatawan ng mga bansang “Global South” at mayroong komong hangarin para sa kapayapaan at kaunlaran.

 

Nakakatulong ang pagpapalitang kultural sa pagpapalalim ng paguunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa at pagpapasulong ng mutuwal na pakinabang, pagkakaroon ng panalu-nalong resulta at komong pag-unlad sa pagitan ng dalawang bansa, dagdag ni Menezes.  

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil Lito