Aktibidad ng pagpapalitang kultural ng Tsina at Peru, idinaos

2024-11-17 17:53:51  CMG
Share with:


Sa magkakasamang pagtataguyod ng China Media Group (CMG), Presidential Office of Strategic Communication and Press Secretary, at Pambansang Instituto ng Radyo at Telebisyon ng Peru, idinaos Nobyembre 15, 2024, lokal na oras, sa Lima, Peru, ang aktibidad ng pagpapalitang kultural ng dalawang bansa.

 

Kalahok sa aktibidad ang halos 200 tauhan mula sa mga sirkulo ng pulitika, kabuhayan, kultura, akademiya, media, at iba pa ng bansa.

 

Samantala, ipinadala ni Pangulong Dina Boluarte ng Peru ang naka-video na mensaheng pambati sa aktibidad.

 

Sa kanya namang hiwalay na talumpati, ipinahayag ni Presidente Shen Haixiong ng CMG ang kahandaan ng kanyang organisasyon, kasama ng mga katuwang sa Peru at iba pang mga bansang Latino-Amerikano, na palalimin ang pagpapalitang kultural ng Tsina at Latin-Amerika.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan