Face-to-face Media Action para sa mga kabataan ng Global South, sinimulan

2024-11-19 11:25:51  CMG
Share with:

Sinimulan Nobyembre 18, 2024 (lokal na oras), sa Rio de Janerio, Brazil ang Face-to-Face Media Action para sa mga kabataan ng Global South na magkakasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG), G20 Youth Summit (Y20), at Sekretaryat ng Palasyong Pampanguluhan ng Brazil.

 

Sa seremonya ng pagsisimula ng nabanggit na aktibidad, ipinahayag ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na sa Ika-19 na Summit ng Group 20 (G20), ipinatalastas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang 8 aksyon ng Tsina para katigan ang Global Development Initiative (GDI).

 

Sinabi niya na ang layon ng pagtataguyod ng CMG, kasama ng mga partner, sa media action para sa mga kabataan ng Global South, ay itatag ang isang plataporma ng pagpapalitan ng mga kabataan ng Global South sa komunikasyon sa media, artistikong paglikha, panlipunang pananaliksik at palakasan.

 

Dumalo sa aktibidad na ito ang halos 200 kinatawan mula sa Brazil, Argentina, at Mexico.

 

Inilabas din sa aktibidad na ito ng 215 media ng 74 bansa ang inisyatiba hinggil sa pagpapasulong ng konstruksyon ng komunidad na may pinababahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Lito