Itinatag, Nobyembre 19, 2024 sa lunsod Kunming, lalawigang Yunnan ng Tsina ang alyansa ng mga lunsod ng China-Laos Railway.
Layon nitong samantalahin ng mga lunsod ng Tsina at Laos ang daambakal na ito, para palakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa mga larangang gaya ng imprastruktura, kalakalan, lohistika, pag-unlad ng industriya, didyital na ekonomiya, kultura, turismo at iba pa, at buuin ang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan at konektibidad ng mga lunsod.
Ang pagtatatag ng nasabing alyansa ay magkasamang inilunsad ng lunsod Kunming ng Tsina at Vientiane ng Laos, at kabilang sa unang pangkat ng mga kasapi rito ay lunsod Yuxi, lunsod Puer, Prepekturang Xishuangbanna, lunsod Chengdu, munisipalidad ng Chongqing, at lunsod Urumqi ng Tsina, at lalawigang Louang Namtha at lunsod Luang Prabang ng Laos.
Abot mula Kunming ng Tsina hanggang Vientiane ng Laos, 1,035 kilometro ang kabuuang haba ng China-Laos Railway.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Frank