MOFA: Ang daambakal ng Tsina at Laos ay nagpapasulong ng kasaganaan ng rehiyong ito

2024-04-16 10:45:29  CMG
Share with:

Ang Abril 13, 2014 ay unang anibersaryo ng pagsisimula ng operasyon ng internasyonal na serbisyong pampasahero ng daambakal ng Tsina at Laos.

 

Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Abril 15, 2024 ni Lin Jian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina (MOFA), na umaasa ang panig Tsino na ibayo pang pasusulungin ng daambakal ng Tsina at Laos ang kasaganaan ng rehiyong ito at palalalimin ang pagkakaunawaan ng mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag ni Lin na ang daambakal na ito ay ang nangungunang proyekto ng de-kalidad na konstruksyon ng Belt and Road cooperation ng Tsina at mga bansa sa Indo-China Peninsula.

 

Ani Lin, sapul nang simulan ang operasyon ng internasyonal na serbisyong pampasahero ng daambakal na ito, naghatid ang mga tren ng mahigit 700 libong person-time na pasahero at mahigit 180 libong person-time na pasahero ng 87 bansa at rehiyon ay pumili ng transnasyonal na biyahe.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil