Nilagdaan Nobyembre 20, 2024, (lokal na oras) ng Tsina at Brasil ang 38 dokumento ng kooperasyon sa panahon ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Brasil.
Kaugnay nito, magkasanib na pahayag ang inanunsyo ng dalawang bansa hinggil sa pagpapataas ng bilateral na ugnayan sa komunidad ng may pinagbabahaginang kinabukasan para sa mas makatarungan mundo at sustenableng planeta.
Bukod dito, nakatuon din ang iba pang 37 kasunduan sa paghahanay ng mga estratehiya ng pag-unlad ng dalawang bansa, na kinabibilangan ng pagpapabilis ng integrasyon ng iminungkahing Belt and Road Initiative ng Tsina sa New Growth Acceleration Program, Neo-industrialization Plan, Ecological Transformation Plan and South American Integration Route Plan ng Brasil.
Bilang karagdagan, binabalangkas ng mga kasunduan ang mga plano ng pakikipagtulungan sa isang malawak na sektor, kabilang na ang pamumuhunan sa industriya, bio-ekonomiya, transisyong ekolohikal, berdeng pag-unlad, artipisyal na intelihensya, industriyang photovoltaic, agrikultura at paghahayupan, enerhiyang mineral, turismo, kalusugan at palakasan.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Lito