Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, hinimok ang ASEAN na palawakin ang komong kapakanang pandagat

2024-11-22 16:21:08  CMG
Share with:

Nanawagan Nobyembre 21, 2024, si Dong Jun, Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, na palawakin ang komong kapakanang pandagat na may pangmatagalang bisyon sa pagitan ng Tsina at mga miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

 

Ginawa ni Dong ang pahayag nang dumalo sa ika-11 ASEAN Defense Ministers' Meeting Plus.

 

Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap kasama ng lahat ng panig para matatag na patibayin ang sentralidad ng ASEAN at suportahan ang pagpapabuti at pagpapataas ng umiiral na balangkas ng kooperasyon.

 

Ipinanawagan niya ang pagkakaisa ng mga rehiyonal na bansa at paglutas ng mga problema sa pamamagitan ng diyalogo, at ipinahayag ang pagtutol laban sa pagpukaw ng alitan, paggamit ng puwersa o pagpapapasok ng mga puwersang panlabas.

 

Sinabi din ni Dong na kailangang palalimin ng lahat ng panig ang kooperasyon sa depensa at seguridad, pasulungin ang implementasyon ng Global Security Initiative sa rehiyon at bumuo ng mas malapit na komunidad ng seguridad. 

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil Lito