2024 ASEAN Media Partners Cooperation Week, binuksan sa Guangxi

2024-11-08 16:53:51  CMG
Share with:

Binuksan, Nobyembre 8, 2024 sa Guilin, Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ang 2024 ASEAN Media Partners Cooperation Week na magkasamang itinaguyod ng China Media Group (CMG) at pamahalaan ng Guangxi.



Sa ilalim ng temang “New Quality Coexistence Civilization,” isinagawa ng mahigit 200 opisyal ng pamahalaan, personahe ng media, dalubhasa at iskolar mula sa Tsina at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang malalimang diyalogo’t pagpapalitan hinggil sa pagpapasulong sa pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at ASEAN sa pamamagitan ng puwersa ng media.



Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, inihayag ni Fan Yun, Deputy Editor in Chief ng CMG, na ang kasalukuyang taon ay taon ng pagpapalitang tao-sa-tao ng Tsina at ASEAN.



Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng linggo ng kooperasyon ng mga media, umaasa aniya ang CMG at Guangxi na hahangarin, kasama ng mga katuwang ng iba’t ibang sirkulo ng ASEAN, ang inobatibong pag-unlad.



Isinapubliko rin sa seremonya ang isang serye ng mga pinakahuling bunga ng kooperasyon sa pagitan ng CMG at Guangxi.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil / Frank