Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Prince Moulay Hassan, nagtagpo

2024-11-22 18:13:46  CMG
Share with:

Isinagawa gabi Nobyembre 21, 2024 (lokal na oras) ni Pangulong Xi Jingping ng Tsina ang isang teknikal na paghinto sa Casablanca, sa kanyang pagbabalik sa bansa, sakay ng espesyal na eroplano pagkatapos ng kanyang dalaw-pang-estado sa Brasil.

 

Sa paliparan, inatasan ni Haring Mohammed VI ng Morocco sina Kinorahang Prinsipe Moulay Hassan at Punong Ministrong Aziz Akhennouch para isagawa ang seremoniyang panalubong kay Xi.

 

Sa kanyang pakikipag-usap kay Kinorahang Prinsipe Hassan, tinukoy ni Xi na ang relasyon sa pagitan ng Tsina at Morocco ay umuunlad nang maayos, mabunga ang pragmatikong kooperasyon ng dalawang panig, at ang pagpapalitan sa iba’t ibang larangan ay aktibo.

 

Sinusuportahan aniya ng Tsina ang Morocco sa pananatili nito ng pambansang seguridad at katatagan, at nakahanda ang Tsina na makipagtulungan sa Morocco para patuloy na matatag na suportahan ang mga isyung kinasasangkutan ng mga pangunahing interes ng isa’t isa, at pasulungin ang higit na pag-unlad ng estratehikong partnership ng Tsina at Morocco.

 

Ipinahayag naman ni Kinorahang Prinsipe Hassan na napapanatili ng relasyong Moroccan-Sino ang magandang momentum ng pag-unlad, at buong tatag nagpupunyagi ang kanyang bansa para ibayo pang mapaunlad ang relasyon ng dalawang bansa.

 

Nakahanda aniya ang Morocco na panatilihin ang mataas na antas ng pagpapalitan sa Tsina at palakasin ang kooperasyon sa iba’t ibang larangan.

 

Salin:Sarah

Pulido:Ramil Lito