Rio De Janeiro, Brasil - Sa Ika-2 Sesyon ng Ika-19 na Summit ng mga Lider ng Group of 20 (G20) sa Reporma ng mga Institusyon ng Pandaigdigang Pangangasiwa, Nobyembre 18, 2024 (lokal na oras), bumigkas si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng talumpating pinamagatang “Kapit-bisig na Pagtatatag ng Isang Makatarungan at Makatuwirang Sistema ng Pandaigdigang Pangangasiwa.”
Nanawagan siya sa lahat na ibayo pang pagtipon-tipunin ang pandaigdigang komong palagay, at pasulungin ang pantay at maayos na multi-polar na daigdig at inklusibong globalisasyong pandaigdig na kapaki-pakinabang sa lahat.
Para rito, iminungkahi niyang optimisahin ang pandaigdigang pangangasiwang ekonomiko, pinansyal, pangkalakalan, didyital, at ekolohikal, at buuin ang isang pandaigdigang kabuhayan na magtatampok sa kooperasyon, katatagan, pagbubukas, inobasyon, at eco-friendliness.
Aniya, kailangang suportahan ng G20 ang pagpapatingkad ng United Nations (UN) at UN Security Council ng mas malaking papel, at katigan ang lahat ng sigasig na makakabuti sa mapayapang paglutas sa mga krisis.
Ipinanawagan din niyang ipatupad ang tunay na multilateralismo, at likhain ang magandang kinabukasan na may komong kaunlaran at kasaganaan.
Salin: Vera
Pulido: Ramil / Lito