Pagpapalala ng panganib sa buong Gitnang Silangan, dapat iwasan - MOFA

2024-11-25 16:51:49  CMG
Share with:

Sinabi, Nobyembre 25, 2024, ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina, na may kahigpitan ang kasalukuyang kalagayan sa Gitnang Silangan, kaya dapat iwasan ng iba’t-ibang panig ang lalo pang pagpapalala ng panganib sa pangkalahatang katiwasayan sa buong rehiyong ito.

 

Ani Mao, ang mga pangyayari kamakailan ay muling nagpapatunay ng kahalagahan sa pagtitigil ng putukan at pagbibigay-wakas sa digmaan sa Gitnang Silangan.

 

Dapat aniya aktuwal na gumanap ng konstruktibong papel ang komunidad ng daigdig, partikular ang malalaking bansang may impluwensya para mapahupa ang kalagayan.

 

Kaugnay nito, patuloy na pasulungin ng Tsina ang kapayapaan’t katatagan ng rehiyon, dagdag niya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio Frank