Ipinahayag Nobyembre 19, 2024, ni Tagapagsalita Lin Jian ng Ministring Panlabas ng Tsina, na palagiang nakatuon ang Tsina sa pagtataguyod ng internasyonal na komunidad na binibigyang pansin ang mga isyu ng pag-unlad.
Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap, kasama ng lahat ng panig para bumuo ng makatarungang mundo na may komong pag-unlad.
Tinukoy niya na ang Global Development Initiative na inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ay tumutukoy sa direksyon ng pagtataguyod ng pandaigdigang pag-unlad at pakikipagtulungan sa internasyonal na pag-unlad.
Itinataguyod aniya ng Tsina ang paglalagay ng pag-unlad sa nukleo ng kooperasyon ng G20, at ginagawang priyoridad ang pagsasakatuparan ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development.
Dagdag ni Lin, binigyan-diin ni Xi na ang Tsina ay miyembro ng “Global South” at pangmatagalang katuwang ng mga umuunlad na bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil Frank