Friday, 25  Apr

Tsina at Singapore, pahihigpitin ang kooperasyon sa industrial park

2024-11-26 14:29:06  CMG
Share with:

Nagtagpo Nobyembre 25, 2024 sa lunsod Suzhou ng lalawigang Jiangsu ng Tsina sina Pangalawang Premyer He Lifeng ng Tsina, at Senior Minister Lee Hsien Loong ng Singapore.

 

Ipinahayag ni He na dapat lubos na samantalahin ng dalawang panig ang mga plataporma ng kooperasyong gaya ng China-Singapore Suzhou Industrial Park para pasulungin ang kalidad at pataasin ang lebel ng kooperasyon at magkatuwang na ipatupad ang mahalagang komong palagay na naabot ng mga lider ng dalawang bansa.

 

Ipinahayag naman ni Lee na kasama ng panig Tsino, nakahanda ang kanyang bansa na paigtingin ang pagpapalitan sa lahat ng antas, pahigpitin ang koopersyon sa iba’t ibang larangan, at pasulungin ang bagong pag-unlad sa mga pangunahing proyekto ng kooperasyon.

 

Sa parehong araw, magkasamang dumalo sila sa China-Singapore Suzhou Industrial Park High-Quality Development Forum.

 

Komprehensibong nilagom ng dalawang panig ang mga natamong bunga ng pag-unlad ng naturang parke, pinalano ang direksyon at tinutukan ang kooperasyon sa pag-unlad sa susunod na yugto.

 

Sinang-ayunan din nilang mas maayos na patingkarin ang papel ng parke at patuloy na palawakin ang internasyonal na kooperasyon.


Salin: Ernest

Pulido: Ramil/Lito