Pangalawang Premyer Tsino, dumalaw sa Singapore

2024-11-13 15:33:34  CMG
Share with:

 

Sa pagdalaw at pakikipagtagpo ni Pangalawang Premyer Ding Xuexiang ng Tsina, sa mga lider ng Singapore mula Nobyembre 10 hanggang 11, 2024, sinabi niyang kasama ng Singapore, palalakasin ng Tsina ang pagpapalagayan sa mataas na antas, patitibayin ang pagtitiwalaang pulitikal, at isusulong ang pagkatig sa isa’t-isa sa mga nukleong isyung kaugnay ng kapakanan at mahalagang pagkabahala.

 

Saad pa ni Ding, suportado ng panig Tsino ang independiyenteng estratehiya at nukleong katayuan ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), at kasama ng ASEAN, nais pasulungin ng Tsina ang kooperasyon, at pangalagaan ang katatagan’t kasaganaan ng rehiyon.

 

Samantala, magkasamang pinanguluhan, Nobyembre 11, nina Ding at Gan Kim Yong, Pangalawang Punong Ministro ng Singapore, ang 4 na pulong ng mekanismo ng bilateral na kooperasyon.

 

Nilagom dito ang kalagayan ng progreso at natamong bunga ng mga kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Sumang-ayon din ang dalawang panig na pabutihin ang pagbalangkas ng mga plano ng kooperasyon sa hinaharap, palalimin ang magkasamang konstruksyon ng kooperasyon ng Belt and Road; at pasulungin ang kooperasyong didyital, sustenableng pag-unlad, at pagpapalitang tao-sa-tao.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank