Xi Jinping at Lee Hsien Loong, nagtagpo

2024-11-27 10:42:09  CMG
Share with:

Sa pagtatagpo, Nobyembre 26, 2024 sa Beijing nina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Lee Hsien Loong, Senior Minister ng Singapore, positibong pagtasa ang ibinigay ng pangulong Tsino sa pagkatig at pagpapasulong ni Lee sa kooperasyon ng Tsina’t Singapore sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang punong ministro ng Singapore.

 

Tinukoy ni Xi na ang 2024 ay ika-30 anibersaryo ng konstruksyon ng China-Singapore Suzhou Industrial Park (CSSIP), at ito ngayon ay isa nang modelo ng kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Ani Xi, ikinatutuwa niya ang pagpapasulong ng Singapore sa kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Samantala, kailangan aniyang maayos na gamitin ng Tsina’t Singapore ang dekalidad na mekanismo ng bilateral na kooperasyon upang maisaoperasyon ang mahahalagang proyekto ng kooperasyon.

 

Ipinahayag naman ni Lee, na ang CSSIP ay matagumpay na karanasan at magandang modelo ng de-kalidad na kooperasyon ng dalawang bansa, at ito rin ay nagpapakita sa buong daigdig ng imahe ng Tsina sa reporma at pagbubukas sa labas.

 

Patuloy na magsisikap ang Singapore para palalimin ang kooperasyon sa Tsina at aktibong lalahok sa proseso ng modernisasyong Tsino, dagdag ni Lee.

 

Tinalakay din ng dalawa ang mahahalagang isyung gaya ng relasyong Sino-Amerikano at kalagayang panrehiyon.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio/Frank