Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Chef Roland at Chef Jacqueline Laudico: Lutong Pinoy para sa Kaibigang Tsino

(GMT+08:00) 2013-06-21 16:17:26       CRI

"Kung nais ninyong malaman ang lasa ng peras, dapat tikman ito. Lahat ng kaalaman ay mula sa sariling karanasan." --Chairman Mao Zedong

Akma ang mga katagang ito sa mithiin ng Flavors of the Philippines.

Kalayaan 2013 Cake Cashew San Rival na may manga

Tampok sa food festival na kasalukuyang ginaganap sa Westin Hotel Chaoyang Beijing ang dalawang kilalang chef mula sa Pilipinas.

Hain ni Executive Chef Roland Laudico at Pastry Chef Jacqueline Laudico ang piling pagkaing Pinoy at layon nilang ipatikim at ipakilala sa mga kaibigang Tsino ang bukod-tanging katangian ng mga sangkap gaya ng bagoong, taba ng talangka, buro, achuete, malagkit na kanin, niyog at manga. Anu-ano ba ang kasama sa menu?

Si Chef Rolando Laudico ( Larawan mula sa PH. Embassy)

Ayon kay Chef Roland maraming impluwensya ang pagkaing Tsino sa pagkaing Pilipino at ang mga ito ay talagang magkalapit kung kasaysayan ang pag-uusapan. At gusto niyang maging daan ang pagsasalu-salo ng pagkain Pinoy para mas gumanda ang pagkakaibigan.

 Si Chef Jacqueline Laudico ( Larawan mula sa PH. Embassy)

Sa seremonya ng pagbubukas, ipinakita ang isang malaking cake na tinawag na Kalayaan 2013. Espesyal na nilikha ito ng award-winning Pastry Chef na si Jacqueline Laudico.

Mula kaliwa  Machelle Ramos, Chef Jacqueline, Chef Roland, Andrea, Ramon at Sissi

Dalawang linggo sa Westin Chaoyang ang Flavors of the Philippines. May dalawang linggong pagkakataon para matikman ang sarap ng ulam at panghimagas ng Pinoy.

Pakinggan ang buong panayam sa audio link sa itaas, mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.

Kung gusto po ninyong marinig ang panayam ng 90.5 News Radio tungkol sa naturang food festival, mag-log-on lang po sa http://newsradio.cri.cn/bzbk/20130619/9676.htm

Kung mababasa ninyo ang bersyon sa wikang Tsino, narito po: http://gb.cri.cn/42071/2013/06/17/6071s4150625.htm

Mga kaugnay na ulat: "Flavors of the Philippines" food festival, binuksan sa Beijing
                                     ASEAN Ladies' Circle: Natutong Magluto ng Inasal, Palabok at Suman

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>