Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Oliver Hombrebueno at Ang Guangzhou International Christian Fellowship

(GMT+08:00) 2013-08-27 17:50:28       CRI

Marami pa rin ang nag-aakala na dahil isang sosyalistang bansa, bawal ang relihiyon sa Tsina. Para kay Oliver Hombrebueno, isang Garment Technician ng sikat na brand na Puma, hindi nya naging problema ang kanyang pagiging Kristyano nang magtrabaho sya sa Guangzhou, Guangdong, Tsina.

Isang bahagi ng service sa GICF kung saan umaawit si Oliver kasama ang choir

Mahalaga para sa maraming mga Pilipino ang pagpapahayag ng pananampalataya. Ito'y isang aspekto ng buhay na bahagi at di-pwedeng alisin para sa ilan nating mga kababayan. At kapag nangingibang bansa para magtrabaho, ang paniniwala sa relihiyon ay bagay na minsan ay nagdadala ng agam-agam at pag-aalala.

Mga Pilipino na kasama ni Oliver sa choir

Pinatunayan ni Oliver na may kalayaan siyang manampalataya at payabungin ang aspetong espiritwal ng buhay nya.

Malayo man sa Pilipinas masaya ang Pasko sa Guangzhou lalo pa't may choir na nagbabahagi ng kantang pamasko

Aktibo si Oliver sa Guangzhou International Christian Fellowship (GICF), isang kongregasyon na puro dayuhan ang mga miyembro.

Si Oliver at ang kanyang mga katrabaho sa Puma

Isa sa pinagkakaabalahan niya ang Music Ministry ng GICF. Ibinabahagi niya ang talento sa pagtugtog ng piano at ang galing sa pag-awit.

Si Oliver kasama ang mga miyembro ng GICF

Sa loob ng siyam na taon walang pangamba at tahimik ang pamumuhay ni Oliver sa Guangzhou. Marami siyang naging kaibigan. At sa mga pagtitipon ng Filipino Community lalo na't may kantahan tiyak ang partisipasyon niya.

Si Oliver sa isang pagtatanghal sa sacred Heart Cathedral sa Guangzhou

Malapit nang magretiro si Ginoong Hombrebueno at balak niyang sa Guangzhou pa rin manirahan. Ito'y isang lugar na malapit sa kanyang puso at kung papayagan, ito na rin ang lugar kung saan nais nyang palipasin ang dapit hapon ng kanyang buhay.

Si Oliver, kumakanta sa pagtitipon sa Konsulada ng Pilipinas

Pakinggan ang buong panayam sa tulong ng audio plug in sa itaas, sigurihin lang na ang Internet Explorer o Firefox browser ay may pinakabagong bersyon ng Adobe Flash Player.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>