Para sa last installment ng Paskong Pinoy series tampok ang mga Pinoy bands dito sa Tsina, sa episode ngayong ng Mga Pinoy sa Tsina kinapanayam ni Mac Ramos ang bandang Stagelights. Sila ay kumakanta sa Greatwall Sheraton Beijing. Sila na ata ang may record pagdating sa bandang pinakamatagal na nakapwesto sa isang hotel. Halos 15 years na sila sa Sheraton. Ang members ng Stagelights ay sina Ramon Almazan, Rosabel Encinares at Juvy Mabulay.
Ang Stagelights ay aktibo sa music ministry ng Cathedral of the Immaculate Conception sa Xuanwumen, Beijing. Walang paltos, tuwing linggo ng umaga, makikita ang mga miyembro na kumakanta sa choir ng pang alas-dies na misa. Hindi lang yan, madali ring kausap ang grupo kung kailangan ng mga kakanta sa mga charity events ng Filipino Community. At maging sa cultural event ng Pasuguan ng Pilipinas nakikiisa rin ang Stagelights.
Tampok sa programang Mga Pinoy sa Tsina ang kanilang rendition ng mga kilalang kantang pamasko at well-loved Pinoy classic.